Kung kabataan ay pag-asa ng bayan
Pag-asa rin sila ng bahay dalanginan
Sa murang isipan sila ay ating turuan
Ng mga salita ng Dios na makapangyarihan.
Ang salita ng Dios ay siyang buto
Na ating ihahasik saan mang dako
Upang lumaganap at malaman ng mga tao
Ang kasaysayan ng buhay ng Panginoong Jesu-Cristo.
Katungkulan ng katandaan ang gabayan
Ang mga kabataan na nagnanais na mag-aral
Ng mga salita ng Diyos na siyang buhay
At sa ating mga gawain siyang patnubay.
Halikayo mga kabataan at makipag-ugnayan
Sa mga katandaan upang gawain ay malaman
Kung ano ang nararapat unahin at simulan
Upang ang layunin ng pananampalataya ay ating makamtan.
Dapat kayo na ang manguna mga kabataan
Sa pagganap ng gawain sa bahay dalanginan
Mahinhin na kilos at salitang may paggalang
Ang dapat makita at marinig sa inyo ng mga kasamahan.
Mga kapatid huwag ipagkait ang nalalaman
Tungkol sa pag-aaral at gawaing ispiritual
Ang poong bathala ang syang gagabay
Kasama ang Espiritu Santo na mapagmahal.
Mga kabataang CSPI, Kayo'y maging huwaran
Ng iba pang kabataang bahagi ng ating lipunan
Tuparin ninyo mga gawang may kabuluhan
Upang kayo, tayo at lahat ay magtagumpay.
Mga tukso at punang walang batayan
Ay huwag pansinin at huwag pakinggan
Sapagkat Dios lamang ang nakakaalam
Kung sino ang tama at higit na may katwiran.
Kung darating sa inyo ang pagsubok
Na siyang aakay sa inyo sa pagtalikod
Alalahanin ninyo ang pangako ng Poong Dios
Pag-ibig at subaybay niya ay di mauubos.
Mabuhay ang mga kabataang may kusang loob
Na maglingkod sa bayan at sa poong Dios
Mabuhay ang mga naliliwanagan at nakakapagtiis
Na magbasa ng Biblia mula Genisis hanggang Apocalipsis
Mabuhay Kabataang CSPI...!!
Katha ni: Elena G.Tagatac
June 11,2010
SJOM